Save, Invest and Build Your Future


Lahat naman gustong mag-ipon. Yung iba nga, laging sinasabi na gusto nilang yumaman. Pero “gusto” nga ba talaga natin o hanggang “wish” na lang tayo? Ang hirap kasing mag-ipon di ba? Parang feeling kawawa tayo pag hindi tayo nakasabay, pag hindi tayo nakakain sa mga sikat na kainan, pag hindi updated ang mga gadget natin, pag di tayo nakasama sa lakad ng barkada, pag wala tayong bagong pamporma. Hindi nauubos yung excuses natin!

“Saka na lang pag lumaki na sahod ko. Saka na lang pag may sumobra. Saka na lang pag na-promote na ko. Saka na lang pag natapos ko na mga bayarin ko.” Pero napapansin mo ba? Hindi nauubos yung mga dahilan natin! Kaya hindi rin tayo nagsisimula. Ilang taon na tayong nagta-trabaho, wala pa rin tayong naiipon.

Kung sawa ka na sa mga excuses mo, kung sawa ka na sa balanse ng bank account mo, kung gusto mo na talagang magsimula, kung seryoso ka na at gusto mo talagang mag-ipon, please take time to watch this simple video: